Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

LUPONG TAGAPAMAYAPA MULA SA 27 BARANGAY NG MANDALUYONG

Isa-isang kinilala at binigyang pagpapahalaga ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Lupong Tagapamayapa Incentive Award City Assessment Committee Chairwoman at Mayor Menchie Abalos, DILG Mandaluyong OIC-City Director Kathleen Sibal-Tungcul at DILG Regional Director Maria Lourdes Agustin, ang mga Lupong Tagapamayapa mula sa 27 barangay sa lungsod na patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at mabilis na pagresolba ng mga problema sa antas-barangay.

Sa pamamagitan ng kanilang walang sawang paglilingkod, higit pang napapatibay ang tiwala ng publiko sa sistemang pangkapayapaan ng barangay, at patuloy na naitataguyod ang isang mas maayos, mapayapa, at nagkakaisang lungsod para sa bawat MandaleÃąo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *