Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALEÑO SA LARANGAN NG PALAKASAN

Kadekadenang medalya at pagkilala ang ibinida ng mga Kabataang Mandaleño, sa lingguhang pragrama ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, bilang pagpapatunay sa husay at galing ng mga atleta mula sa lungsod, sa iba’t ibang larangan ng isports, mapa-lokal man o pandaigdig.

Namayagpag ang mga Atletang Mandaleño sa iba’t ibang paligsahan tulad ng EMEI CUP 2025: International Wushu Championships sa China, 2nd Asian Youth Open Championship and Training Camp para sa Karatedo, at Philippine Table Tennis Federation Inc. (PTTF) Intercollegiate and Interscholastic Challenge na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay.

Patunay ito ng walang humpay na dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa pagtangkilik at pagsuporta sa kabataang Mandaleño na patuloy na nag-aangat ng pangalan ng lungsod sa larangan ng isports—lokal man o pandaigdig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *