

Opisyal nang naging magkapatid-LGU ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes matapos ang paglagda sa Sisterhood Agreement sa pamamagitan ng City Council Resolution No. 3802, S-2026 ng Mandaluyong, na pinagtibay nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Congresswoman Queenie Gonzales, na nilagdaan din nila Catanduanes Governor Patrick Azanza at acting Vice Governor Fred Benedict Gianan. Isinagawa ang makasaysayang seremonya sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ngayong ika-3 ng Agosto.
Bilang simbolo ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng dalawang lokal na pamahalaan, nagsagawa rin ng pagpapalitan ng mga opisyal na regalong sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan at kultura. Ipinagkaloob ng Mandaluyong ang Framed City Council Resolution, Key of the City, Book of Ordinances, rebulto nina Manda at Luyong, Correctional Bag, Executive Building replica at ang natatanging Mandaluyong Scents, bilang sagisag ng pagkakaibigan at pangmatagalang kooperasyon sa iba’t ibang larangan ng pamamahala at kaunlaran.

