

sang umagang puno ng pagkilala at pagpapahalaga ang pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG)-Mandaluyong, sa pagbibigay-parangal sa mga natatanging Punong Barangay ng lungsod bilang pagkilala sa kanilang mahusay at tapat na pagganap sa tungkulin, dedikasyon sa paglilingkod, at mahalagang ambag sa pagsusulong ng mabuting lokal na pamamahala o Good Local Governance.
Bahagi ang pagkilalang ito ng pagdiriwang ng Local Government Month 2026 ngayong Oktubre, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng tapat at mahusay na pamamahala at patuloy na paghahatid ng de-kalidad na serbisyo para sa bawat MandaleÃąo.

