Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG AT MES, IGINAWAD ANG BATANG KAMPEON AWARD SA MGA NATATANGING MAG-AARAL

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Mandaluyong Elementary School (MES), iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at MES ang Batang Kampeon Award sa mga natatanging mag-aaral na naghatid ng karangalan sa paaralan sa iba’t ibang larangan.

Kabilang sa mga pinarangalan sina:
• Arabella Divine Batusan
• Brianna Chelsey Jimenez
• Patricia Miralles
• Fritzy Toni Carsolim
• Nikka Jane Halili
• Elijah Lia Sebido
• Shanessa Jermielyn Relente
• Shaolen Chris Hagad

Pinangunahan nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Congresswoman Queenie Gonzales, at MES School Head Dr. Jocelyn Tamayo ang pagkilala sa mga mag-aaral sa isinagawang lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod.

Ang pagkilalang ito ay pagpupugay sa husay, talento, at pagsisikap ng mga batang Mandaleño na patuloy na nagbibigay ng karangalan sa MES at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa kabataan na pagbutihin ang kanilang kakayahan at abutin ang kanilang mga pangarap.
Congratulations, Batang Kampeon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *