Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG AT MES, IGINAWAD ANG TANGLAW NG DAMBANA AWARD SA MGA DATING GURO NG MES

Buong-pusong kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at Congresswoman Queenie Gonzales, katuwang ang Mandaluyong Elementary School (MES), ang mga dating guro ng paaralan na ngayo’y naglilingkod sa Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong, sa pamamagitan ng paggawad ng Tanglaw ng Dambana Award.

Kabilang sa mga ginawaran sina:
• Dr. Rex Ado
• Dr. Ruby Baniqued
• Ramilo Pascual
• Dr. Elizabeth Catibog
• Antonio Flores
• Myla Ramirez
• Christopher Viernes
• Josephine Intino
• Emma Arrubio

Bahagi ang pagkilalang ito ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng MES, bilang pagpupugay sa mga dating guro na patuloy na nagsisilbing tanglaw at huwaran sa larangan ng edukasyon. Sa kanilang dedikasyon at makabuluhang paglilingkod, patuloy nilang itinataguyod ang mga pagpapahalagang kanilang naging bahagi sa MES at nag-aambag sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa mga batang Mandaleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *