Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG CITY AT BAUTISTA, PANGASINAN OPISYAL NA NAGING SISTER LGU

Opisyal na nilagdaan ang Sisterhood Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, at ng Munisipalidad ng Bautista, Lalawigan ng Pangasinan, sa pamumuno nina Mayor Rosemarie Gacutan at Vice Mayor Joren Aaron Espino, sa ginanap na lingguhang programa ng lungsod kasabay ng paggunita sa National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Naging saksi rin sa makasaysayang paglagda ang mga city at municipal councilors ng parehong lokal na pamahalaan.

Layunin ng kasunduang ito na palakasin ang ugnayan, pagtutulungan, at pagpapalitan ng kaalaman at pinakamahuhusay na praktis sa larangan ng pamamahala, mga programa, at serbisyong hatid sa kani-kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *