Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG, GINAWARAN NG PAGKILALA ANG MGA KAHANGA-HANGANG KABABAIHAN NG LUNGSOD

Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang paggawad ng pagkilala, na pinangunahan nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, sa mga hinirang na Kahanga-hangang Kababaihan ng Lungsod mula sa Barangay Addition Hills at Barangay Daang Bakal, kaugnay ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala sina:

Barangay Addition Hills
– Amy Terol- Velinda Camacho
– Rachel Estoque
– Alma Mendoza
– Adelaida Tolibas
– Marites Pol
– Susan Leygo

Barangay Daang Bakal
– Alma Maldan
– Jennifer Regalado
– Marlyn Marbil
– Michelle Asuncion
– Maria Mae Atorza
– Marites Pagaduan

Sila ay kabilang sa mga “sisid-kanal” ng lungsod—mga katangi-tanging kababaihang lumulusong sa mga creek at daluyan ng tubig sa Mandaluyong, na karaniwan ay gampanin ng mga lalaki, upang linisin ang mga ito. Ang kanilang sakripisyo at dedikasyon ay hindi lamang para sa kalinisan ng kapaligiran, kundi para rin sa mas maayos, ligtas at maliwanag na kinabukasan ng bawat Mandaleño.

Sinisiguro naman ng pamahalaang lungsod na nabibigyan ng kaukulang pangangalaga at mga pangkalusugang hakbang ang lahat na gumaganap sa ganitong trabaho sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *