

Sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, tinanggap nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang Plake ng Pagkilala mula sa Philippine Association of Civil Registrars (PACR) para sa mga makabago at inobatibong programa ng lungsod na may kinalaman sa pagpapahusay ng civil registration services.
Kabilang dito ang Kasalan sa Piitan, na kinilala ng mga Civil Registrars sa buong Pilipinas bilang huwarang inisyatiba sa serbisyong sibil at makataong paglilingkod, patunay ng patuloy na inobasyon at malasakit ng Mandaluyong sa publiko.

