

Humakot ng parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, sa katatapos lamang na 2026 National Congress ng Philippine Councilors League (PCL).
Hinirang na National Winner ang Mandaluyong sa 2025 Local Legislative Awards sa kategoryang Highly Urbanized City, bilang pagkilala sa kahusayan ng Sangguniang Panlungsod sa paggawa ng mga makabuluhang batas at programang nagsusulong ng kaunlaran ng lungsod.
Dagdag pa rito, wagi rin ang pamahalaang lungsod sa kauna-unahang Gawad Galing Lokal na Batas Silver Award sa kategoryang Environmental Protection and Management, bilang pagkilala sa City Ordinance No. 948, Series of 2023, o mas kilala bilang Integrated Underground Wiring and Cabling System Plan of Mandaluyong, na inakda ni Councilor Benjie Abalos.
Bukod pa rito, mula sa mahigit 17,200 konsehal sa buong Pilipinas, nahalal si Councilor Benjie Abalos bilang National President ng Philippine Councilors League.
Ang mga parangal at pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa mahusay na pamamahala, makabuluhang lehislatura, at serbisyong tunay na nagmamalasakit sa bawat MandaleÃąo.

