



Muling kinilala ang mga natatanging programa at inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang City Health Department at City Nutrition Committee, matapos tumanggap ng iba’t ibang parangal sa 2026 Regional Nutrition Awarding Ceremony na pinangunahan ng National Nutrition Council–National Capital Region (NNC-NCR) at Regional Nutrition Committee–NCR noong Agosto 6, 2026.
Kabilang sa mga parangal at pagkilalang natanggap ng lungsod ang mga sumusunod:
🏆 Lungsod ng Mandaluyong
Mga parangal para sa mga programang pangnutrisyon:
- Best LGU in National Dietary Supplementation Program
- Best LGU in Micronutrient Supplementation Program
- Best LGU in Nutrition Investment
City Nutrition Council
-Pagkilala sa 2026 Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol
Maria Gerlyn Lagleva at Mary Ann Morada
-Pagkilala kaugnay ng Federation of Barangay Nutrition Action Officers of Metro Manila
Estephanie Bengua - Contender, 2025 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar
Teresa Delos Reyes - 1st Runner-Up, 2025 Regional Outstanding City Nutrition Program Coordinator
Bukod dito, kinilala rin ang Mandaluyong sa matagumpay na implementasyon ng Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition (LHEARN) Project. Bilang nag-iisang LHEARN LGU sa National Capital Region, patuloy na nagsisilbing sentro ng pagbabahagi ng kaalaman at mahuhusay na kasanayan sa nutrisyon ang lungsod, na kamakailan ay binisita ng Nutrition Committee ng Lungsod ng Valenzuela para sa pagsasagawa ng Peer Learning Approach.
Ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na palakasin ang mga programang pangnutrisyon at isulong ang mas malusog na pamayanan para sa bawat Mandaleño.

