

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mataas na antas ng pamamahala sa larangan ng pananalapi matapos tumanggap ng iba’t ibang pagkilala mula sa Department of Finance at Bureau of Local Government Finance ngayong Nobyembre.
Kabilang sa mga natanggap na parangal ang mga sumusunod:
⦁ Top 3 – Local Source Revenue to Total Current Operating Income
⦁ Top 4 – Total Current Operating Expenditures per Capita for the Year 2024
⦁ Top 8 – Year-on-Year Growth in Local Source Revenue (2023–2024)
⦁ Top 9 – Locally Sourced Revenue for the Year 2024
Kasama sa larawan sina City Treasurer Ma. Corazon De Guzman, BPLD Head Atty. Jerusha Villanueva, at City Budget Officer Orly Fumera.

