Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG, ISINAGAWA ANG GROUNDBREAKING CEREMONY NG BAGONG GUSALI NG ATRES

Umagang puno ng pag-asa at pagpapaunlad ang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong matapos pangunahan nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at dating Mayor Ben Abalos ang makasaysayang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong apat na palapag na bagong gusali ng Amado T. Reyes Elementary School (ATRES) ngayong Hulyo 20, 2026. Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na mapahusay ang mga pasilidad pang-edukasyon at makapagbigay ng mas ligtas, moderno, at mas maayos na kapaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral at guro.


Isinagawa ang naturang seremonya bilang bahagi ng paggunita sa nalalapit na ika-40 anibersaryo ng ATRES sa Setyembre. Nakiisa rin sa programa sina Department of Education (DepEd) Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Filemon Ray Javier, Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong Superintendent Dr. Margarito Materum, at Buayang Bato Punong Barangay Reynaldo Nobela, kasama ang mga opisyal ng paaralan, mga guro, magulang, at iba pang panauhin bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa patuloy na pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *