

Buong pagmamalaking kinilala ang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, bilang Top 9 Performing City Nationwide at Top 3 Performing City sa National Capital Region (NCR) matapos mag-uwi ng 8 gintong medalya, 4 pilak, at 7 tanso sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Agusan del Sur.
Patunay ang tagumpay na ito sa husay at determinasyon ng mga atletang MandaleÃąo, na muling nagbigay ng karangalan sa Mandaluyong at nagpakita ng kahusayan sa pambansang entablado.

