

Bilang pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat Mandaleño, pinarangalan nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at Mandaluyong Chief of Police PCol. Reynan Patam ang mga Key Officers at Sub-Station Commanders ng Mandaluyong City Police Station, sa lingguhang tagpuan ng Pamahalaang Lungsod, kaugnay sa paggunita sa 31st Police Community Relations Month ngayong Hulyo.
Ang naturang pagkilala ay pagpapatunay ng matatag na ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at ng Philippine National Police sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatiling ligtas, mapayapa, at maayos ang pamayanan para sa kapakanan ng bawat Mandaleño.

