

Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang pagkilala sa mga paaralang nagwagi sa ginanap na Student Entrepreneur’s Cup 2025—isang inisyatibang naglalayong hubugin ang kakayahang pangnegosyo ng mga mag-aaral sa lungsod.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Konsehal Charisse Abalos-Vargas sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO), Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong, at Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) Development Council, at ginanap sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST).
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga sumusunod:
⦁ Jose Fabella Memorial School – Best Business Plan
⦁ Andres Bonifacio Integrated School – Best Business Pitching
⦁ Ilaya Barangka Integrated School – Best Designed Booth at Most Innovative Product
⦁ City of Mandaluyong Science High School – Highest Sales
⦁ Isaac Lopez Integrated School – Student Got Talent Winners
Patunay ang tagumpay ng mga kalahok sa patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagpapalakas ng entrepreneurship at paghahanda ng kabataang Mandaleño sa mundo ng negosyo.

