

Ibinahagi ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at City Health Department Head Dr. Arnold Abalos ang parangal na ‘Global Self-Reliant City’ na iginawad ng The Challenge Initiative (TCI) Philippines sa lungsod.
Ang nasabing parangal ay pagkilala ng TCI Philippines sa mga programang pangkalusugan na ipinatutupad ng pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Health Department, lalo na ang mga programang tungkol sa Adolescent Reproductive Health (ARH) at Family Planning (FP).

