Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG LGU BINIGYAN NG PAGKILALA ANG 5 TRAFFIC ENFORCERS

Pinamunuan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang pagbigay ng pagkilala sa limang (5) kawani ng City Traffic and Parking Management Department (CTPMD) matapos rumesponde sa pagnanakaw ng mga electric cables at light bulbs ng isang grupo ng kalalakihan sa kahabaan ng Boni Avenue Tunnel.

Ang mga traffic enforcers na binigyan ng pagkilala ay sina Guillermo Neria, Arnel Mones, Orlando Dalisay, Michael Tamondong, at Erwin Coronado.

Ayon kay Traffic Enforcement Division head Lorrie Lumabas, noong 2:00 P.M. ng October 15, 2025 ay may isang concerned motorist na nag-report sa mga awtoridad na nasaksihang ang di-umano’y pagkuha ng mga electric cables at light bulbs sa Boni Avenue tunnel ng limang indibidwal. Agad na nagtungo ang mga traffic enforcers ng lungsod at doon kanilang naaresto ang isa sa limang mga suspek na kanilang dinala sa police station.

Humanga si Mayor Abalos sa katapangang ipinakita ng limang traffic enforcers kahit na ito ay labas na sa kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *