

Tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at sa pakikipagtulungan ni Konsehal Benjie Abalos, ang mga training kits mula sa L’Oréal Philippines na gagamitin ng mga babaeng estudyante ng Mandaluyong Manpower and Technical-Vocational Training Center (MMTVTC) para sa kanilang isasagawang pagsasanay.
Ibinahagi rin ni Konsehal Abalos ang malaking tulong ng kumpanya sa pagbibigay ng mga oportunidad sa mga naunang nagsanay sa kanila—mga kababaihang ngayon ay nagsasagawa ng home service at nagtatrabaho na sa iba’t ibang kumpanya.

