

Ipinakilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang ilan sa mga benepisyaryo ng Project Therapy, Education, and Assimilation of Children with Handicap o Project TEACH – isang programa ng lungsod na kumakalinga sa mga kabataang Mandaleño na may kapansanan, bilang paggunita sa ika-18 anibersaryo ng programa.
Ang signature project ng Mandaluyong, na sinimulan ni dating Mayor Atty. Benhur Abalos, ay patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa mga Mandaleño, nagsisilbing learning hub para sa ibang lokal na pamahalaan at mga organisasyon, at patuloy na binabago ang buhay hindi lamang ng mga benepisyaryo kundi pati na rin ng kanilang pamilya, komunidad, at ng buong bansa.

