

Kaugnay ng pagdiriwang ng Nurses and Midwives Week ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, ay pinangunahan nina Mayor Menchie Abalos ang pagbigay ng pagkilala sa mga nurses ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC) na may 20 taon o higit pa sa serbisyo.
Kasama sa nagbigay ng pagkilala sa mga nurses si MCMC Director Dr. Cesar Tutaan at City Health Department head Dr. Arnold Abalos.
Nagpapasalamat si Mayor Abalos at ang lungsod sa malasakit at dedikasyon ng mga nurses na patuloy na naglilingkod sa Mandaluyong.

