

Inanunsiyo ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na naglabas na ito ng bagong bersyon ng PWD (persons with disability) IDs upang mapigilan ang mga namemeke nito.
Hinikayat ni Mayor Menchie Abalos ang mga kasalukuyang may hawak ng PWD IDs na gawa sa board paper na magtungo sa opisina ng Persons with Disability Affairs Division (PDAD) para mapalitan ito ng bagong bersyon na gawa sa PVC (polyvinyl chloride).
Ayon kay PDAD head Wennah Marquez, ang bagong PWD ID ng lungsod ay naglalaman na ng QR code kung saan nakalagay ang iba pang mahalagang mga impormasyon ng may-ari nito.

