Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG LGU, NAKAMIT ANG IKA-5 ISO CERTIFICATION

Malugod na ipinahayag ni Mayor Menchie Abalos na ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay muling naipasa ang audit para sa ISO 9001:2015 at 1:2024.

Ito ay base sa isinagawang audit ng NQA Philippines kung saan nakita ng ahensiya na tumutupad ang pamahalaang lungsod sa pangako nitong panatilihin ang quality management system (QMS). Pinuri din sa audit ang mga parangal at pagkilalang natamo ng lungsod sa loob ng taong ito.

Pinasalamatan ni Mayor Menchie ang lahat ng mga kawani ng city hall sa kanilang pagkakaisa at pagtutulungan upang makamit ang bagong ISO certification ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *