

Pinangunahan ngayong araw nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang symbolic turnover ng 2,000 laptops para sa mga public school ICT laboratories sa Lungsod ng Mandaluyong. Ginanap ito sa Eulogio Rodriguez Integrated School sa Barangay Hagdan Bato Itaas, kung saan idinaos din ang flag raising ceremony ng pamahalaang lungsod.
Ang tumanggap ng mga nasabing laptops ay ang mga opisyal ng Mandaluyong Federation of Public School Teachers Association Inc.
Ang mga laptop ay nakalaan para sa mga ICT laboratories ng public schools sa lungsod bilang bahagi ng patuloy na modernization programs ng pamahalaang lungsod para sa education sector.
Layunin ng programang ito na mas mapalakas ang paggamit ng technology sa pagtuturo at mas matulungan ang mga guro sa kanilang daily instructional needs.Muling binigyang-diin ni Mayor Menchie na ang investment na ito ay para sa mas maganda at mas dekalidad na learning environment para sa kabataang MandaleÃąo.

