

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ay itinanghal na first place sa 2025 Local Legislative Award sa regional category.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR) ang parangal sa Lapu-Lapu City, Cebu kung saan personal itong tinanggap ni Mayor Abalos at ilang konsehal ng lungsod.
Base sa DILG-NCR Regional Awards Committee (RAC), ang Lungsod ng Mandaluyong ay umani ng 99.5 na puntos na nagpapatunay na ang Sangguniang Panlungsod ay may matatag na legislative governance, may pinakamahusay na mga sistema, at mga policy measures na patuloy na pinakikinabangan ng mga Mandaleño.
Pinasasalamatan ni Mayor Abalos ang pagkakaisa ng Mandaluyong, lalo na ang Sangguniang Panlungsod sa kanilang patuloy na pagbuo ng mga batas at ordinasang angkop sa kasalukuyang panahon.
