

Buong-pusong tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, si Municipal Mayor Atty. Gerard Montojo at ang mga kawani ng Bayan ng Romblon, Lalawigan ng Romblon, para sa isinagawang benchmarking activity na naglalayong magbahagi ng kaalaman, karanasan, at mahuhusay na kasanayan sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong pampubliko tungo sa mas mahusay at epektibong lokal na pamamahala.
Kaugnay ng pagbisita, ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ang simbolikong Susi ng Lungsod at estatwa nina Manda at Luyong bilang tanda ng mainit na pagtanggap, pagkakaibigan, at patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng dalawang lokal na pamahalaan.

