

Pinasalamatan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at City Health Officer Dr. Arnold Abalos, ang Philippine Business for Social Progress (PBSP) sa kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa mga programa ng lungsod na may kinalaman sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga ina.
Ang kanilang suporta ay malaking ambag sa pagpapatibay ng mga serbisyong pangkalusugan sa lungsod, na naglalayong mas mapalawak ang abot ng mga programang pangkalusugan at mas mapalakas ang malasakit para sa bawat pamilyang MandaleÃąo.

