

Ipinakita ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa gabay ng Anti-Red Tape Authority, ang patuloy nitong pagsisikap na mapahusay at mapabilis ang proseso ng pagkuha ng iba’t ibang dokumento at serbisyo sa mga barangay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Barangay Ease-of-Doing Business Roll Out Training noong Hulyo 7, 2026, sa Max’s Restaurant, Mandala Park.
Layunin ng pagsasanay na gabayan ang mga kinatawan ng mga barangay sa mas maayos, at makabagong paraan ng paghahatid ng serbisyo publiko upang mas mapadali ang transaksyon at karanasan ng mga Mandaleño.

