

Bilang bahagi ng pagsusulong ng inobasyon at paggamit ng makabagong teknolohiya sa paghahatid ng mas mahusay serbisyong publiko, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa PLDT at Smart Communications sa pamamagitan ng pagpapakilala sa “AI in a Box” isang solusyong gumagamit ng Artificial Intelligence (AI) na naglalayong mas mapabuti ang mga proseso at serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng paghahanda ng lungsod sa integrasyon ng AI sa mga operasyon nito. Kabilang sa mga nakatakdang inisyatiba ang pagsasagawa ng iba’t ibang pagsasanay at isang AI Summit sa Oktubre 2026 upang higit na mapalawak ang kaalaman at kakayahan sa responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya para sa kapakinabangan ng mga Mandaleño.

