Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG, TUMANGGAP NG MGA KARANGALAN SA ATOP PEARL AWARDS 2026

Itinampok sa Lingguhang Programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang iba’t ibang karangalang nakamit ng lungsod, sa pamamagitan ng City Cultural Affairs and Tourism Department, sa ginanap na ATOP Pearl Awards 2026 ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) at Department of Tourism (DOT) ngayong Oktubre.

Kabilang sa mga karangalang nakamit ng lungsod ang:
🏆 GRAND WINNER – Best Institutionalized Program for Culture and the Arts
ðŸĨ‡ 1ST RUNNER-UP – Best Tourism Event – Religious Festival
🏅 FINALIST – Best Tourism Event – Cultural Festival

Tampok sa pagkakahirang ng lungsod bilang Grand Winner ang kuwentong “MELODIES BEYOND LIMITS”, na nagtatampok sa Children with Disabilities Drum and Lyre, na sumasalamin sa natatanging talento, kakayahan, at determinasyon ng mga batang may kapansanan sa larangan ng musika at sining.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *