

Buong pagmamalaking tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, katuwang ang City Environment Management Department, ang tatlong (3) recycling bin na bahagi ng Polyethylene Terephthalate (PET) Bottle Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB), kaugnay ng pagdiriwang ng Earth Day.
Ang mga recycling bin ay ipamamahagi sa Mandaluyong Elementary School (MES), Highway Hills Integrated School (HHIS), at Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) upang isulong ang wastong segregasyon at pagrerecycle ng plastik na bote
#EarthDay2026
#PETBottleProject
#MandaleÃąoDisiplinado
#GawaHindiSalita

