

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagpapalakas ng kamalayan at pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan ng mga Mandaleño, isinagawa noong Martes, Hulyo 14, 2026 ang Community Caravan: “Fiercest Talks on Mental Health 3.0” sa pamamagitan ng Sagip BALISA (Bantayan at Alamin ang Laman ng Isip at Saloobing may Alinlangan) sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) Gymnasium.
Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod at mga Barangay, mga doktor, kinatawan ng Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong, guidance counselors, Civilian Volunteer Organization (CVO), Non-Government Organizations (NGOs), mga magulang, at mga estudyante. Layunin ng talakayang ito na palawakin ang kaalaman tungkol sa mental health, itaguyod ang bukas na pag-uusap, at hikayatin ang komunidad na magbigay ng suporta at malasakit sa isa’t isa tungo sa mas malusog na kalagayang pangkaisipan.

