Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MAYOR ABALOS AT VICE MAYOR SUVA, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA BFP–MANDALUYONG

Bilang pagkilala sa patuloy na suporta at pakikiisa ng pamahalaang lungsod sa Bureau of Fire Protection (BFP)–Mandaluyong, tinanggap nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang isang Plaque of Recognition mula sa BFP–Mandaluyong bilang pasasalamat sa kanilang mahalagang kontribusyon sa mga programa at inisyatiba ng ahensya.

Iginawad ang pagkilalang ito kaugnay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso 2026, bilang pagpapahalaga sa matibay na ugnayan at sama-samang adhikain na mapanatili ang kaligtasan ng bawat Mandaleño laban sa panganib ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *