Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MCST, IPINAGMAMALAKI ANG INTERNASYONAL NA PAGKILALA SA EDUKASYON

Buong pagmamalaking ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) President Dr. Jonathan Chiong, ang mga natatanging parangal na natanggap ng MCST sa lingguhang programa ng lungsod.

Kabilang sa mga karangalang natanggap ay ang:

  • First International Accreditation via Quality Assurance in Pre-Tertiary and Higher Education
  • United Nations Academic Impact Higher Education SDG Hub, na nagtataguyod ng edukasyon at praktis ng United Nations Sustainable Development Goals
  • Internationally Accredited Teaching English as a Foreign Language (TEFL) Training Center in Mandaluyong
  • Teaching English to Speakers of Other Languages (TESOL) Center

Ang mga matataas na karangalang ito ay patunay sa patuloy na pag-angat ng MCST bilang isang institusyong nakatuon sa kahusayan, inobasyon, at pandaigdigang pamantayan sa edukasyon para sa kabataang MandaleÃąo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *