

Isang pambansang karangalan ang buong tapang at talinong inuwi ng Mandaluyong College of Science and Technology (MCST), na kinilala nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva matapos makamit ang ika-anim na puwesto sa ginanap na POLIQUEST 2026, isang national-level quiz bee competition sa larangan ng agham pampolitika na inorganisa ng Association of Political Science Organizations of the Philippines.
Kabilang sa mga nagwagi sina:
- Richard Klyne Ramilo
- Philip James Santos
- Barbie Kate Mateo
- John Paul Herrera
- Jacqueline Nicole Topacio
Ang karangalang ito ay patunay ng kahusayan, dedikasyon, at malalim na kaalaman ng mga mag-aaral ng MCST sa larangan ng political science, na hindi lamang nagdadala ng karangalan sa kanilang institusyon kundi higit sa lahat ay nagpapakita ng galing ng kabataang MandaleÃąo sa pambansang entablado ng akademikong kompetisyon.

