

Isang makabuluhan at makasaysayang pagdiriwang ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, matapos pangunahan nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Congresswoman Queenie Gonzales, dating Mayor Ben Abalos, at dating Congressman Neptali “Boyet” Gonzales II ang paggawad ng Panandang Pangkasaysayan o Historical Marker sa Mandaluyong Elementary School (MES), kaugnay ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng paaralan.
Bilang kauna-unahang pampublikong paaralan sa Mandaluyong, naging mahalagang bahagi ang MES sa kasaysayan ng edukasyon sa lungsod at sa paghubog ng maraming henerasyon ng mga Batang Mandunong. Ang Panandang Pangkasaysayan ay nagsisilbing pagkilala sa mayamang kasaysayan, mahalagang kontribusyon, at patuloy na legasiya ng MES sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at paghubog ng mga mamamayang nagbibigay-karangalan sa Mandaluyong.
Maligayang ika-125 Anibersaryo, Mandaluyong Elementary School!

