Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA ATLETANG MANDALEÑO, MULING NAMAYAGPAG SA IBA’T IBANG LARANGAN NG PALAKASAN

Muling pinatunayan ng mga Atletang Mandaleño ang kanilang husay at dedikasyon matapos mag-uwi ng mga karangalan mula sa iba’t ibang pambansa at pandaigdigang kompetisyon sa larangan ng palakasan. Bilang pagkilala sa kanilang natatanging tagumpay, personal na binigyang-pugay nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at City Sports Development Officer Noel Bernardo ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa lungsod sa mga disiplina ng Karatedo, Archery, at Taekwondo.

Patunay ang kanilang mga tagumpay sa sipag, disiplina, at determinasyon ng mga Mandaleño, gayundin sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagpapaunlad ng sports at paghubog ng mga atletang handang makipagsabayan sa pambansa at pandaigdigang kompetisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *