

Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Boy Scouts of the Philippines – Mandaluyong Council president at City Councilor Benjie Abalos ang pagpapakilala sa apat na mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) na ginawaran ng Eagle Scout award.
Ang mga ginawaran ng Eagle Scout award ay sina Joshua Rey delos Santos, Elleson Perez, Prince Raven Hermosa, at Greg Andrei Aguirre.
Ayon kay Councilor Abalos, ang Eagle Scout ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa isang Boy Scout na nagpakita ng kahusayan sa pamumuno, disiplina, at malasakit sa kapwa at sa komunidad. Maituturing din na simbolo ng dedikasyon, integridad, at huwaran na kabataan ang isang scout na binigyan ng nasabing parangal.

