Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA BAGONG KAGAMITANG PANGMEDIKAL, HANDOG NG MANDALUYONG

Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mandaleño sa pamamagitan ng isinagawang symbolic turnover ng mga bagong kagamitang pangmedikal. Kabilang dito ang ECG Machine, Infusion Pump, Electrocautery Machine, Cardiac Monitor, Hospital Transfer Stretcher Trolley, Emergency Cart, Fetal Doppler, Dialysis Machine, at Ultrasound Machine.

Ang mga bagong kagamitang ito ay ilalaan sa Mandaluyong City Medical Center upang higit pang mapahusay ang diagnosis, paggamot, at pangangalaga sa mga pasyente. Sa patuloy na modernisasyon ng mga pasilidad pangkalusugan, isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mas mabilis, mas episyente, at mas de-kalidad na serbisyong medikal para sa bawat Mandaleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *