Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA BATANG WAGI SA SCOUTING ACTIVITIES, IBINIDA NG MANDALUYONG LGU

Ipinakilala nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang mga batang scouts na sumali at nagwagi sa That’s My KID (Kabataang Iminumulat Diwa) at That’s My KAB (Kabataang Alay sa Bayan).

Kasabay ding ipinakilala ang mga batang scouts na nagwagi sa Little Chef KID and KAB. Bahagi ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng National Scouting Month na may temang “BSP Elevate @88: Futureproofing Scouting for the Next Century and Beyond.”

Ayon kay Boy Scouts of the Philippines – Mandaluyong Council president at City Councilor Benjie Abalos, ang That’s my KID at KAB at Little Chef KID at KAB ay scouting activities para sa mga scouts na nasa Kinder at Grades 1 to 3. Layon nito na maagang maipakita ang mga iba’t ibang aktibidad ng BSP sa mga kabataang Mandaleño at maging mabuting ehemplo sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *