Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA ESTUDYANTE NG PROJECT TEACH, BIDA SA PROGRAMA NG MANDALUYONG

Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga mag-aaral ng Project TEACH (Project Therapy, Education, and Assimilation of Children with Handicap) at ang Children with Disabilities Drum and Lyre, na naghatid ng saya at inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang pagtatanghal sa sayaw at musika.

Kasabay nito, kinilala rin ng Pamahalaang Lungsod ang mga mag-aaral na produkto ng Project TEACH na matagumpay nang naisama sa regular classes at patuloy na mahusay na nag-aaral kasama ang kanilang mga kapwa mag-aaral. Patunay ito sa matatag na adbokasiya ng lungsod sa pagsusulong ng inklusibong edukasyon at pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga batang may kapansanan upang maabot ang kanilang buong potensyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *