

Isang pagbibigay-pugay ngayong araw sa mga gurong pinaigting ang kanilang husay sa pagtuturo ang pinangunahan nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva kaugnay ng pagdiriwang ng ika-22 anibersaryo ng paggiging Isaac Lopez Integrated School (ILIS) sa bisa ng Republic Act 9300 Series 2004.
Ang mga natatanging guro ay sina:
– Dr. Olivia L. Pagurayan, School Head ng ILIS, na nagtapos ng Doctor of Philosophy major in Educational Leadership & Management sa Philippine Normal University (PNU)
– Johnalyn D. Cabrera, na nagtapos ng Master of Arts in Teaching major in Science sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology
– Jenny O. Mamato, na nagtapos ng Master of Arts in Educational Administration sa Jose Rizal University (JRU)
– Jonathan T. Valles, na naging Regional Qualifier sa 2025 Gawad Teodora Alonzo Award 7th National Storybook Writing Contest
– Julie Ann S. Esparagoza, na tumanggap ng 3rd Lagerway Awards for Communication Excellence for Education sa Communication Foundation Asia
Personal na binati at binigyan ng pagkilala ni Mayor Menchie ang mga nasabing guro na itinuturing ng lungsod na mga ehemplo ng mga kabataang MandaleÃąo.

