

Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos at City Health Department head Arnold Abalos ang pagkilala sa apat na midwives na may 35 taong serbisyo na sa pamahalaang lungsod kaugnay ng pakikiisa ng pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Nurses and Midwives Week.
Ang mga kinilalang midwives ay sina Ma. Teresa Bernal, Editha Balabat, Ma. Elena Bernados, at Jocelyn Abante.
Nagpapasalamat si Mayor Abalos sa patuloy na paglilingkod ng mga midwives sa lungsod.

