Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA NATATANGING ALUMNUS NG MES, BINIGYANG-PAGKILALA

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Mandaluyong Elementary School (MES), buong pagmamalaking binigyang-pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Congresswoman Queenie Gonzales, ang mga natatanging alumnus ng paaralan na nag-iwan ng mahalagang legasiya sa larangan ng paglilingkod-bayan.

Kabilang sa mga pinarangalan sina dating Mayor Benjamin “Ben” Abalos Sr., dating Senate President Neptali A. Gonzales, at dating Congressman Neptali “Boyet” Gonzales II, na kapwa naging bahagi ng kasaysayan ng MES at naglaan ng maraming taon ng kanilang buhay sa paglilingkod sa Mandaluyong at sa bansa.

Ang pagkilalang ito ay pagpupugay sa kanilang mga naging kontribusyon at tagumpay na patuloy na nagbibigay-karangalan sa kanilang alma mater. Nagsisilbi rin silang inspirasyon sa mga kasalukuyan at susunod na henerasyon ng Batang Mandunong na mangarap, magsikap, at gamitin ang kanilang kakayahan sa makabuluhang paglilingkod sa kapwa at bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *