Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA SENAKULISTA, MANDALUYONG LGU, NAGKAISA SA PAGGUNITA NG SEMANA SANTA.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ay nakikiisa sa paggunita ng simbahang Katoliko ng Semana Santa ngayong taon at nagsimula ito nitong Linggo (April 13, 2025), Araw ng Palaspas.

Sa flag raising ceremony ngayong umaga ay itinanghal ng Dulaang Matiaga Senakulista ang “Sa Sala ni Poncio Pilato.” Isa ito sa dulang kanilang itatanghal sa Barangay Hagdang Bato Libis ngayong Semana Santa.

Ipinagmamalaki ni Mayor Ben ang nagpapatuloy na pagtatanghal ng mga senakulista sa lungsod na nagsimula pa noong 1950s.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga pagtatanghal ng senakulo ngayong Semana Santa ay maaring i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/share/v/1ALsSnwrf6/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *