

Nag-aral. Nagsipagtapos. Nagturo.
Ganiyan ang kwento ng mga dating mag-aaral at ngayo’y naging mga natatanging guro ng Mandaluyong High School (MHS), na nagsisilbing mga sulo ng kaalaman at paglilingkod sa kanilang alma mater. Binigyang-pagpapahalaga nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang kanilang dedikasyon na muling maglingkod sa paaralang minsang naging tahanan ng kanilang pagkatuto at humubog sa kanilang mga pangarap.
Ang pagkilalang ito ay bahagi ng paggunita sa ika-49 Anibersaryo ng MHS, bilang pagpupugay sa mga gurong hindi lamang nagbalik sa kanilang pinagmulan, kundi patuloy ding nag-aambag sa paghubog ng mga susunod na henerasyon ng kabataang Mandaleño.

