

Buong galak na kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang pagkakamit muli ng Mandaluyong Manpower Technical-Vocational Training Center (MMT-VTC), sa pangunguna ni MMTVTC Administrator Midge Tampinco, ng prestihiyosong National Kabalikat Award (Regional and National) sa katatapos na 2025 Kabalikat Awards ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang natanggap na parangal ay patunay sa mahusay at epektibong pagbibigay ng MMTVTC ng de-kalidad na edukasyong Tech-Voc, livelihood programs, at community service programs para sa patuloy na pag-unlad at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng ibaât ibang sektor ng komunidad.

