

Opisyal na pinirmahan nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang Memorandum of Agreement kasama ang Makabayang Pilipino Basketball League (MPBL), katuwang si MPBL Bida Barangay Liga Commissioner at Marikina City Councilor Elvis Tolentino, sa ginanap na Monday Morning Program ng pamahalaang lungsod.
Layunin ng kasunduang ito na higit pang mapaunlad ang talento ng mga atletang MandaleÃąo, mabigyan sila ng mas malawak na oportunidad sa kompetisyon, at maisulong ang isports bilang instrumento ng disiplina, pagkakaisa, at kaunlaran sa komunidad.

