

Buong-pusong kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga natatanging alumni ng Mandaluyong High School (MHS) na ngayon ay may mahalagang ginagampanang papel sa pamahalaan at iba’t ibang sektor, at patuloy na nagbibigay ng serbisyo publiko sa komunidad.
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga sumusunod na alumni mula sa pampublikong sektor:
- Moises Nayve – Director, Office of Civil Defense (Batch 1984)
- Joaquin Abejar – Senior Manager, PAGCOR (Batch 1980)
- Leo Urmeneta – Executive Director, LCPC (Batch 1993)
- Juliet Ereso – City Assessor (Batch 1981)
- Orlando Fumera Jr. – City Budget Officer (Batch 1992)
- PCOL Remigio Sedanto – Former Chief of Police, Mandaluyong PNP
- Anthony Augusto Garcia – Public Schools District Supervisor (Batch 1998)
- Marian Soriano – OIC, Office of the Assistant Schools Division Superintendent (Batch 1996)
Kinilala rin ang mga natatanging alumni mula sa pribadong sektor: - Rosendo Gabriel III – Partner in Charge, Accounting & Auditing Firm (Batch 1982)
- Aurelio Mari Gueco – Founder & Principal Consultant, AM Gueco Risk Management Consultancy Services (Batch 1988)
- Rufino Lobiano – Owner, Baydragon Shipping Agency Corporation (Batch 1990)
Ang pagkilalang ito ay bahagi ng paggunita sa ika-49 Anibersaryo ng MHS, bilang pagpupugay sa mga alumni na patuloy na nagdadala ng karangalan sa kanilang alma mater sa pamamagitan ng kahusayan at makabuluhang paglilingkod sa bayan.

