Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MULA SA PUSO, PARA SA PAMILYA RICE SUBSIDY-2ND TRANCHE

Tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa isinagawang “Mula sa Puso, Para sa Pamilya Rice Subsidy” ng Pamahalaang Nasyonal, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at ang City Social Welfare and Development Department, ang mga benepisyaryong senior citizens na 65-79 taong gulang at jeepney at tricycle drivers na ginanap sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) Gymnasium nitong Hulyo 10, 2026.

Ito ang ikalawang tranche ng programa sa lungsod sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) na pinangunahan nina First Lady Liza Marcos at Mayor Menchie Abalos, kasama sina Cabinet Secretary Benhur Abalos at League of Cities of the Philippines National President Mayor Francis Zamora. Bukod sa pamamahagi ng ayuda, nagsagawa rin sila ng pampublikong konsultasyon upang personal na mapakinggan ang mga pangangailangan at hinaing ng mga benepisyaryo, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na makapaghatid ng maagap at makabuluhang serbisyo publiko sa mga sektor na higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *